Home » Angat Lahi » Bagong Hamon

Bagong Hamon

- Grace Samonte

Grace_Samonte Nagsimula akong magtrabaho bilang domestic helper dito sa Singapore noong 2003. Nangarap akong mangibang bayan sa pagnanais kong mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking pamilyang iniwan sa Pilipinas. Tinatagan ko na lang ang aking loob sa pagkakawalay ko sa mga mahal ko sa buhay.

Naging buy generic propecia online mahirap para sa akin ang pag-a-adjust. Walang day-off at bawal makipag-usap kahit kanino, lalo na sa kapwa Pilipino. Sa aking pag-iisa, may mga oras na dahil sa sobrang pagod at labis na pangungulila sa aking pamilya bigla na lang bubuhos ang aking mga luha. Pagkatapos ng dalawang taon nang pagtitiis, umuwi ako sa Pilipinas pero naisip ko na wala namang pagbabago doon. Sa pangalawang pagkakataon, bumalik ako dito sa Singapore. Ganun pa rin ang kwento, puno ng lungkot at pangungulila.

Noong buy kamagra online taong 2009, naimbitahan ako ng isang kaibigan na dumalo sa isang Sunday Service ng Mosaic. Sa mga awitin pa lang, nabasag na ang puso ko. Kinaugnay ako ng Diyos at binigyan Niya ako ng panibagong sigla at inspirasyon. After some time, biniyayaan Niya din ako ng panibagong mga employers na naging sobrang bait sa akin. Binigyan nila ako ng day-off once a week at dalawang beses sa isang taon na pag-uwi sa Pilipinas upang madalaw ko ang aking pamilya. Nakaka-attend na ako ngayon ng Mosaic Sunday Service tuwing Linggo. Tunay na pagpapala ito sapagkat nakikilala ko lalo ang Diyos sa aking pag-attend at natututo akong lalong magtiwala sa Kanya.

Marami sa mga kasamahan kong domestic helpers ang may malulungkot na kwento, katulad ko noon. Yung iba pa nga bukod sa nasirang pamilya sa Pilipinas, may mga abusadong amo pa. Nananalangin na lang ako na makita nila ang aking natagpuan upang mabago din ang buhay nila.

Ang hamon ko sa aking sarili – hindi masamang maging domestic helper pero hindi ako magiging ganito habang buhay. Nag-iba na nga ang perspective ko. Gusto kong gamitin ang mga talentong ibinigay sa akin ng Diyos para marating ko ang mga plano Niya para sa akin. Knowing that God has a plan and purpose for me  gives me strength.

Next buy clomid year, matatapos na ang contract ko. Dala na siguro ng maayos kong paninilbihan, nalulungkot ang mga employers ko na iiwan ko na sila. Pero supportive sila sa desisyon ko at alam ko na masaya sila para sa akin. Sa pag-uwi ko sa Pilipinas, magtatapos ako ng pag-aaral. Gusto kong makapag-tapos dahil ito ang unang hakbang upang maabot ko ang mga pangarap ko para sa aking sarili, sa aking pamilya, at sa aking bansa.

Salamat buy clomid online sa Mosaic family for all their encouragement. Nagkaroon ako ng self-esteem, tumaas ang tingin sa pagka-Pilipino, at na-inspire na mangarap muli. Mahaba pa ang aking lakbayin. Alam ko na maraming hirap ang aking susuungin. Pero alam ko hindi ako nag-iisa sa anumang laban ng buhay dahil kasama ko ang Diyos. Pagsusumikapan kong magbago ang aking buhay sa tulong Niya.

More buy priligy in this category: Mandirigma »

Add comment